Puerto Galera
May 01-03, 2009
Puerto Galera is a small town on the northeast coast of the
Island of Mindoro in the Philippines. Though it's a quite
little town, it is a popular summer destination in the country
Other also come here for it's nearby forest, waterfalls, and
dive spots.
Buwan ng Abril 2009 ng mapagpasiyahan naming magpunta sa Puerto Galera dahil holiday naman ng May 1 at day off naman namin ng sumunod na araw. May 1, 2009 unang araw namin sa Puerto Galera, 10:00 am kami ng makarating sa nasabing Isla.
After naming maglunch sa isang kainan, at makahanap ng matutuluyan (kasi hindi kami nagpareserved ng matutuluyan dahil sa alam naming nagkalat lang doon ang mga hotel, pero dahil holiday puno lahat at kung meron man eh ang mamahal naman. Kaya nagpasya kami na kuhain na lang yung inaalok sa amin ng babae na matutuluyan. nakuha namin ang bahay nya ng 5,000.00 sa aming lahat ( 3 days/2 nights) 2 kwarto pwedeng magluto..as bahay talaga nya ang pinarent sa amin. ang bait naman nya. may susi siyang ibinigay para sa aming kwarto.
Ayan...pictorial na. isa sa aming plano ang pictorial mode..kaya ayan ang unang araw namin sa Puerto Galera.
simula na ito para sa aing mga SOLO pics.
Hindi ko alam pero mahilig talaga ako sa beach...mahilig dn ako magtravel, marahil siguro noong kabataan ko..sa mga pelikula ko lang nakikita ang pagta-travel. Thank God at binigyan ako ng pagkakataon na maglakbay.
Pahinga mode with Mhel, Amie and Cuz (Mhean)
nagpa-abot na kami ng gabi dahil habang tumatagal ang pagsasama naming lahat mas nakikilala pa namin ang isa't-isa..ang isa naming kasama na si Ate Ruth ang nagpalaro ng "Ice Breaker" games kung saan ang laro ay ang pagkakilala sa iyong sarili. (sobrang saya namin that time)
2nd day: Inalok kami ng may-ari ng bahay na baka raw gusto naming magpunta sa Falls. Pumayag naman kami. Tinanong din nya kami kung gusto naming magtricycle o umakyat ng bundok. Dahil sa gusto namin ng adventure mas pinili namin ang umakyat ng bundok papuntang Aninuan Falls.
Simula na ng aming pag-akyat sa bundok..soooo exciting. Kita nyo naman ang kuha ko sa aking mga kasama na dahil first time umakyat sa bundok..hingal ang inabot.
Kuha ito sa una naming pahinga, dahil hingal at pagod kami..pahinga muna. ^_^
Kuha naman namin ito sa isang mataas na parte ng bundok na inakyat namin.
Ito naman ang kuha naming lahat, ang bait talaga ni Pol ( tour guide namin sa hiking experience namin. Binayaran namin si Pol ng 100.00 bawat isa sa amin.
Ang pangatlong stop over namin sa bundok..ayan kasama na namin si Pol.
Sa wakas..sa paglalakbay namin ng 1 1/2 oras sa bundok ay nakarating kami ng safe sa Aninuan Falls
Ito ang isang parte ng falls kung saan marerelaks at mamamasahe ka talaga dahil sa agos ng tubig..
Oh ayan hindi ba't marerelaks at mamamasahe talaga ang likod mo dyan sa tubig. Sarap nga ng pakiramdam after magbabad dyan, walang halong biro..talaga namang nag-enjoy kami sa pwesto naming iyan.
Mga kuha ko yan isang bago kami pumunta sa Aninuan Falls
(yung nasa taas pa kami ng bundok) at yung isa naman na nasa malaking bato at pababa na kami ng bundok galing sa falls.
Hindi na kami narent ng tricycle pabalik sa area namin, mas pinili namin ang maglakad sa baybayin para marating din namin ang Tamaraw Beach na kung saang isang grupo ng mga dayuhan ang sumali sa aming picturan..
Kuha namin ito sa Tamaraw Beach....after naming mamundok at magpunta sa falls, namahinga muna kami sa aming tinuluyan, para pagsapit ng hapon balik dagat na naman ang grupo namin.
Tapos na kaming mamahinga, heto na ang grupo namin balik larga na naman at pictorial sa beach talagang sinulit namin ang bakasyon..
di ba...pati net ng volley ball pinatos namin. hahaha sinama rin namin sa pictorial ^_^
Sige lang..wala kaming pakialam sa sasabihin ng mga tao.. yan ang trip ng grupo namin eh. hahaha walang basagan ng trip.
Napagod kami magpose sa net ng volley ball..kaya ayan na ang start ng aming todo pahinga para sa aming 2nd day sa Puerto Galera. c'',)
ang aking solo shot sa tabing dagat. Astig!!! hahaha
Ang aming huling paglublob sa dagat.,,maaga pa kasi ang uwi namin kinabukasan nyan..pero syempre kailangan naming magbihis at bumalim sa tabing dagat para sa.......
aming PUERTO GALERA night out!! ewan ko ba kung bakit nagpacute yung babae sa likod ni Mhel..kamusta at nasaan na kaya iyang babaeng hilig makisama sa pic ng iba. hahahaha!!
Ito naman ang sarili kong trip..(walang babasag ha!!) minsan lang ang kuhang ganyan. hahaha pagbigyan na.
Time to say goodbye Puerto Galera...kuha iyan habang hinihintay namin ang sasakyan naming boat pabalik ng Batangas Pier. Mya 5:30 am yan kasi ang oras ng boat pabalik sa Batangas ay 7-7:30 ng umaga.
Ito naman ay kuhang sa boat ( Commandos) na sinakyan namin pabalik sa Manila ( Batangas Pier) .
This is it..ang huling araw (May 3 . 2009 hindi ko na napalitan ang date sa aking cam :D )naming magkakaibigan sa Puerto Galera. Dtio sa Islang ito nabuo ang aming samahan ng di inaasahan, ang pagkakakilala ng bawat isa sa amin.. mga problemang pasanin ay pawang nailabas dahil sa larong "Ice Breaker" na pinalaro ni Ate Ruth, ang pag-aalinlangan ng bawat isa sa amin ay pawang nawala. Maraming Salamat sa inyong lahat sa maasayang araw na ito na ating napag-samahan, ang Lugar kung saan hinding hindi natin makakalimutan.