Ang aking Pahina

Huwebes, Nobyembre 3, 2011

Baguio

December 17-19, 2010 

Dec 17, 2010 ng umaga iyan habang binabagtas namin ang daan paakyat ng Baguio City.  Ako ay abala sa pagpapalitrato habang ang iba ko pang kasama sa harap ay abala sa anumang usaping tinatalakay nila.
(1st day): ang una naming baba mula sa sasakyan. Ito ay sa Lion Head sa may Kennon Road, picture-picture at naaliw ang mga bata sa malaking ulo ng Lion na ito.
Lion Head @ Kennon Road, Baguio City. Akay-akay ni Rose si Elyza para sa picturan mode nilang dalawa.
Botanical Garden, ang 2nd stop over namin. Dito na rin kami nagbreakfast para malanghap narin ang sariwang hangin ng Baguio. after kain, ayan ang ebidensiya...chikahan mode with Mavic. c",)
SM Baguio City, dito kami namili ng iba namaing pagkain at sangkap sa pagluluto requested by Rose (friendship/Trisha) pwede kasi magluto sa unit na tutuluyan namin..at para makamura na rin kami.
Everlasting Unit from http://www.mileshome-baguio.com/Rooms--and--Accommodation.php (transient house) 2nd time na namin sa Miles Home, pero sa Daffodil kami nag-stay noon. Kaya naman sanay na kami at mabait ang may-ari nito na si Mr. Rey 
( 09173645288 ) iyan ang number nya kung sinu man may gustong mag-stay sa kanyang mga Unit.
siyempre habang napapahinga kami dapat may kasamang picturan di ba Rose? hahaha wala kaming hilig talaga napag-tripan lang.
oh di ba..nakaka ingganyo kami kaya yung iba pa naming kasama at napasama na sa trip namin. hahaha
(2nd day): Strawberry Farm ang una naming pinasyalan, nakakalungkot naman at walang bunga ang farm kaya....
sinet ni Jeff ang camera at nagpakuha na lang kami ng pic as in kaming lahat yung driver lang ang wala...Naku ilang taon na lang ang mga batang iyan ay mga Dalaga at Binata na...ang bilis pa naman ng panahon.
nagustuhan ko itong pic na ito habang inaayusan ko ng damit si Ate Elay..salamat Jeffrey!!
kasalukuyan kaming naghihintay ng mga kasama namin na namimili ng mga gulay...ang pustura naman ng anak ko..akala mo naman kung sinung Doña kung makapag-abang.
next destination after namin pumunta sa Flower farm (sorry wala kaming kuha doon kasi wala namang mga bulaklak nung nagpunta kami..) ito ay ang ASIN HOT spring.
nagpakuha kami dito sa Tunnel bago kami umakyat ulit ng bundok, naaliw kami sa 2 tunnel na ito, napanuod ko na ang tunnel na ito sa horror movie nina Robin Padilla at Sunshine Dizon.
nagutom kami marahil sa aming paglalakbay kaya naman dagsa ang plato sa aming hapag kainan..lalo na't nagcrae ang kasama naming si Rose sa "bulalo at crispy pata" yomo!!!
inabot na kami ng dilim sa 2nd days namin na paglalakbay kaya minabuti namin na magpahinga muna kami sa Burnham Park at ng sa ganon makapaglaro din ang mga bata sa damuhan.
sige ang laro ng mga bata..takbuhan, gulong sa damo samantalang....
kami heto nakaupo...si hubby tumatanda na talaga, nirarayuma na lamig ng simoy ng hangin, si Rose masakit ang ulo dahil sa sipon..at si Auntie Ming...napagod na rin kakaupo sa Van. c",)
ito nga pala yung kuha ni Rose at ng aking unica ija after naming maglunch..
(3rd day): Last day na namin. ang aga naming magising ni ate Elay kasi pupunta pa kaming Mines View para mamili ng mga pasalubong. Ito nga pala yung sala area ng Everlasting Unit ng Miles Home.
Mine View nakapamili na kami ng mga pasalubong nyan...hahaha kaya picture-picture na at syempre kasingit na naman ang anak ko.
Stop over kami sa isang kainan sa Pangasinan....AY MALI!!!
sa wakas pala may kainan na may papaitang kambing kasi sa dami ng pinagtanungan namin itong kainan lang ang meron. hahaha...pasensiya na,,natatakam ang isa naming kasama eh.
oo tama ang nakikita nyo sa senyas nilang mag-ninang
naka 7 na pinggang kanin nga si kuya Psalm..hahaha
....oh DIVA!!..ayos! papaitang kambing lang katapat nyan. lol
napagod na ang mga bata..pati na rin si Kian ay naki-join na sa hubaran ng damit. mainit na kasi yan..wala na kami sa malamig na simoy ng hangin..kaya hayan hilata to the max na sila at pati gulay namin na binili sa Baguio ay hilata na rin sa pagkalamog. hahahaha.
sa wakas makakauwi na ako gamit ang kaibigan kong si walis tambo...at nabili ko rin ang boots na gustong gusto ko..sa halagang 150.00 sa Baguio.
Natapos na ang aming paglalakbay sa Baguio, maraming salamat sa lahat pati na rin sa aming sponsors na sina Lilia Rose Celeste at Jeffrey Inacay.
Owner : Mr. Rey - 0917 3645288...super bait..
Van for rent : Mr. Jay  0916 5521613...super bait.

1 komento:

  1. mahusay at totoo po ang mga ito rate 5/5 po at sana matuloy nyo po ang magandang journey nyo po godbless to all

    TumugonBurahin