Bohol
Feb. 24-27, 2010
Visayas. Lungsod ng Tagbilaran ang kapital nito at nasa kanluran nito ang Pulo ng Cebu, nasa hilagang-silangan naman ang Leyte at nasa timog, sa ibayo ng Dagat Bohol, angMindanao.
6:30 am na ng makarating kami sa Naia Terminal 3, ako ang nauna sa aming group, inihatid ako ng aking asawa kasama ang aming bunsong anak. ito ang araw at kauna-unahang beses na makakasakay ako ng eroplano na kung noong bata ako ay isang "Pinapangarap" lang. salamat sa aking asawa at pinayagan ako sa lakad na ito na hindi sila kasama.
Ito na yung pagkakataong ang nararamdaman ko ay halong kaba, takot at saya..YES!! nakasakay na ako sa eroplano, hindi na ito panaginip...totoo na ito. c",) Salamat na rin sa isa sa mga friend ko na nagpwesto sa akin sa tabi ng bintana..tanaw ko ang kalawakan.napakasayang pakiramdam ito. Kaya nasabi ko sa sarili ko, na pipilitin kong maisakay ang mga anak ko sa eroplano para maramdaman din nila ang aramdaman kong SAYA..Cebu Pacific (new experienced.) nadagdagan ang pagkatao ko hehehe.
Thank God, safe kaming nakalapag sa "Tagbilaran Airport"..pagdating namin doon nakaabang na pala yung service namin..ang aming tour guide at driver na si Kuya Ryan. (mamaya yung picture..)
"1st Day"
Unang stop over namin sa "Loboc River "
sobrang gutom na kami dahil sa biyahe..pero nagawa pa rin naming magpakuha kahit mga gutom na aming mga sikmura.
Ang sarap talaga kumain kung marami kayong sabay-sabay at may umaawit para sa inyo. sarap ng mga nakahaing pagkain..(eat all you can talaga) kaso sa inumin naman isang beses lang...pero sulit naman kaming lahat.
Ayan at tapos na kaming kumain, habang umiikot naman ang aming Cruise kami ni Cuz ay nag-eenjoy panuorin/tignan ang mga view sa ilog at ang mga touristang tumatalon upang maligo. (pero hindi yun mga nakasakay sa Cruise, bawal yun eh) at ang mga nagsisisayaw sa bawat station..
tapos na kami kumain..next destination naman na kami..
Ang "Man made Forest" wala kaming gaanong kuha dito, isa lang ito ang kopya ko. ang ganda ng lugar na ito kung saan nagtataasan ang mga puno. Galing ng Shot ni Kuya Ryan.
Next ang "Chocolate Hills" napakataas na lugar.
(hills nga eh :P)
pawisan kaming lahat ng marating namin ang tuktok nito..isang kamngha-manghang lugar ng marating namin..kahit matindi ang sikat ng araw, hindi alintana ang aming kasabikan marating lang ang pinaka hangganan ng bundok..
Sa tindi ng init..mas lumitaw sa amin ni Cuz ang kulay ng mga bundok dito..hahaha Brown Team..:)
"Hanging Bridge" yung mga kasama ko takot tumawid sa tulay na iyan..ng ako ang mauna at sumunod sila..ako naman pagyugyog sa tulay..tamang pang-aasar lang..hahaha (namissed ko tio sa Bohol)
Butterfy Farm
"Butterfly farm" dito mo makikita ang ilang iba't-ibang uri ng mga paru-paro..konting lecture..at sandaling paglibot..pahinga rin kami saglit.
Python
Napansin nyo ba na wala ako dyan? hindi dahil ako ang kumuha, kundi dahil ako ay TAKOT sobrang nakakatakot kaya yang Python na yan..hindi nakaya ng powers ko..yay!!
Baclayon Church
at the back(face of Padre Pio) amazing diba!
at Souvenir Shop...wala naman akong nabiling pasalubong mula dito. ahahahaha kasi sapat lang ang dala kong pera..(utang pa nga eh hahaha)
dahil wala kaming nabili sa souvenir shop (mahal kasi) nagpicture na lang kami..oh di kami may souvenir hehehe.
"Blood Compact" ito na ang aming huling destinasyon sa unang araw namin..hindi namin ito masyadong naenjoy..tumagal lang kami dito ng 5-10 mins dahil madilim na nag marating namin ang lugar.
dinner at Sinugba ni Abdul...parang inasal style..pero hmmm YUMMY ha!
"2nd Day"
parang team building lang..kuha namin..ibig sabihin..walang iwanan..walang KJ at walang OA. join lahat.. dapat iexperienced lahat ng kasama sa activities..c",)
Ang aming pangalawang araw ng paglalakbay ay tutunguhin namin ang "Pamilacan" kung saan maaga kami nagising at 5:30am ay nasa Panglao na kami para maabutan namin ang mga Dolphin, umaga kasi ang oras ng kanilang show (pero hindi naman talaga "show"...gulo!!
Isa sa mga nakuha namin ng sumulpot ang mga dolphin ..
grabe yung mga dolphin na ito..kailangan malinaw ang iyong pakiramd at kaiangan dito ang pagmamasid, maging alerto para makuhan sila agad..
Fresh pa ang aming mga beauty..kasi morning..hahaha tignan natin after this day.c",)
"Balicasag Island" dyan ang aming tungo after ng aming Dolphin Hunter..Dyan kami mag-snorkling..
yan..nakarating na kami..Balicasag Island, dito na kami nagbreakfast...picture2x...pahinga ng kaunti para naman sa snorkling..fish feeding.
Snorkling at Balicasag Island...sarap..1st experienced ever!! naenjoy namin itong kakaibang karanasang ito.
Kahit hindi kami marunong lumangoy nasiyahan kaming lubos..may parteng mababaw..may parteng malalim..grabe mga bato dito. ang tututlis, required talagang gumamit ng foot gear..para hindi mahiwa ang mga paa.. nagrent kami sa halagang 100.00 mukhang nga tinaga kami sa presyo. pero Ok lang..kasiyahan at experienced namin walang katumbas na halaga..
"Virgin Island" grabe itong lugar na ito..nakakamangha sa itsura. bakit kaya tinawag itong Virgin? Isa itong isla na animong may hiway sa gitna.ang Cuteeee..
Ang tubig nga lang dito ay hindi kasing linis ng sa Panglao...mababaw ito ngunit hindi ko mairerekomda maligo..daming damo at sea urchin..(sarap ng sea urchin..sa halagang 25.00 binili ko para matikman lang. hehehe
at Virgin Island..kulitan..pictorial at harutan c",)
isa sa mga trip naming lahat...ang pahirapan kami sa pagkuha ng litrato..hahaha
the virgin ladies at Virgin Island. hahahaha :)
after namin magpunta sa Pamilacan, Balicasag at Virgin...nagliwaliw muna kami sa Pangloa Resort..kung saan mapapansin nyo na ang tubig ang ang linis,,mapapansin din ninyo ang aqua color yan ang mababaw na bahagi ng dagat at ang kulay blue naman saay ang malalim na parte..Parang Boracay ang ganda ng dagat na ito..grabe..mapapaWOW ka sa ganda, at aliwalas ng lugar.
"Bee Farm"
after ng nakakapagod na paglalakbay sa karagatan at pagtitimpasaw sa tubig dagat..ngayon narito naman kami sa
ang aming pang 4 na destinasyon...ayan oh!! Fresh pa rin kami...nagitim nga lang. hahaha
"Hinagdanan Cave" sa pagpasok namin dito, nakaready na yung host para sa area na ito, bawat group ay may naka-assign na tour guide, konting lecture...about sa place. ang ganda ng loob dito..kaso ingat lang kung pupunta kayo, madulas ang daan..
"Dauis Church"...pansin nyo may bottled water kaming hawak, binili nila yan from the church, at yang tubig na yan ay galing sa bukal na nasa loob ng simbahan.
"Bayoyoy" (ang dwarf na kilala sa Bohol) sinu ang hindi at nakakakilala sa kanya? madalas daw siyang ipakita sa TV pero nung makita ko si bayoyoy nabigla. 1st time ko pa lang siyang nakita,..yung naramdaman ko..AWA para sa kanaya na ginagawa na siyang tourist spot sa Bohol, para saan at anung dahilan? may natatanggap ba siya mula sa gobyerno....2nd, nakaramdam ako ng WOW..na amazed ako..sa edad nyang 64, buhay pa rin siya sa kabila ng kanyang kalagayan...God bless you... Mr. Bayoyoy!!
dinner sa bahay ni Mr. Calulo, bumili na lang kami ng isda at bigas sa palengke at nagpaluto na lang kami sa kasambahay ni Mr. Calulo..nakamura pa kami...
"3rd Day"
since na wala na kaming tour para sa aming ikatlong araw, nagpasya kaming magpunta sa Danao..ito ay hindi na kasama sa package..kaya nagdagdag na lang kami kay Mr. Calulo para arkilahin ang isa sa mga sasakyan nya at si Kuya Ryan. Salamat sa isan naming kasama na may kaarawan nung araw na iyon at sinagot nya ang halagang 3000.00 para makarating kaming lahat sa Danao_Bohol.
bumili na lang kami sa malapit na Mall sa bahay nila Mr Calulo para ipaluto at baunin namin papuntang Danao at duon na kami magla-lunch.
stop over muna kami ng makita namin ang maliit na chocolote hills na ito sa aming likod..
nadaanan din naming itong Masion ni Mr. Manny Pacman Pacquio..kaya pinicturan muna namin. ^^,
tarsier...whoa so cute!! ang liit lang paa talaga nito sa personal..mas malaki pa nga ang tuta dito na bagong panganak..
"Danao" atlast nakarating kami sa Danao mga 10:00 am na sa tagal/ haba ng biyahe namin..nakapahinga rin kami sa malaking upuan.
picture taking with Cuz...ganda nya no??
dalaga pa yan..masungit yan kung titignan pero mabait naman yan sa kaibigan.
after ng lunch namin...
while waiting the other on their Zip Line adventure..
kulitan mode with ate Ruth, Cuz and Amie.
at home..inuman, celebration of judy's bday..( yung nakaribbon na yellow. nakakatuwa. habang nag-iinuman kami ay may activities na ginawa si ate ruth..(getting to now each other) ito na kasi ang huling gabi namin..uuwi na kami kinabukasan..
"4th Day" our Last day
ang aga naming nagising..haha may ebidensiya pa ako oh ang bote ng The Bar.^^,
kulitan with the F 4our..heheh tamang mga trip..kanya-kanya posing..
bago kami tumungo sa Tagbilaran Airpot pabalik ng Manila, minabuti ni Mr. Calulo na idaan muna kami sa isa sa "pinakamatandang bahay" sa Bohol. Iyan yung nasa likod namin..
time to say "goodbye" to Bohol, sa aming masasayang araw sa bahay ni Mr. Calulo ( naka damit na yellow gree) sa mga mga karanasan. Salamat din Kuya Ryan ( black shirt) sa kabaitan at tiwalang ipinakita mo sa amin. Hanggang sa muling tungo namin kayo pa rin ang kukuhanin namin....
again...thank God, we are safe....safe kaming nakarating pabalik ng Manila..
GOODBYE everyone, salamat sa masasayang araw na magkakasama nating inenjoy ang lalaiwgan ng BOHOL kung saan ang iba sa atin halos 1st timer lalo na sa mga activities na ating ginawa.
Maraming Salamat sa iyo Kuya Ryan, sa mabuti at pagkakatiwalaan mong paglilingkod sa aming grupo.
Maraming salamat din Mr. Johnny Calulo sa maganda mong tahanan at sa abot kayang Bohol Tour packages. Mas mainam talaga kung marami kayong bibiyahe para mapaghatian at mapamura sa gastos..:)
BOHOL TOUR PACKAGES
Mr. Johnny Calulo : http://www.facebook.com/jcalulo
9177031664Mobile